| |
|
By: Romeo B. Macale, B.S.E.,
LL.B., M.Ed. |
| |
aibigan, itong tanong
ang pinakamatamis pakinggan sa iyo. Alam mo, natural po sa bawat isa
sa atin sa ibabaw ng mundong ito ang umalis sa huling hantungan. Subalit,
bago dumating ang huling sandali ng kamatayan, alam mo ba kung saan
ka paroroon?
Kaibigan, sabi po ng Diyos, wala kahit isa sa atin ang hindi makasalanan.
"Ayon sa nakasulat, Walang matuwid, wala kahit isa,"
Roma 3:10. Lahat po tayo ay nagkasala. Ayon po sa Banal na Aklat,
"Sapagkat lahat ay nagkasala, at nawalan ng kaluwalhatian
ng Diyos," Roma 3:23. Kaya, maliwanag po na walang matuwid
sa atin. Matanda o bata, mayaman o dukha, maganda o pangit, anumang
kulay ang ating balat, anumang uri ang ating relihiyon o pananalig,
lahat po tayo ay makasalanan. Dahil po rito, ang masaklap na ating
matatanggap sa Panginoong Diyos ay ang walang hanggang kaparusahan
sa Impiyerno. "Sapagkat ang kabayaran ng kasalanan
ay kamatayan, ngunit ang regalo ng Diyos ay buhay na walang hanggan
sa pamamagitan kay Cristo Jesus na ating Panginoon," Roma 6:23.
Mahal kong kaibigan, kahit mayroong nakatakdang parusa sa bawat isa
sa atin, ipinaghanda po ng Panginoong Kristo Jesus ang kaloob na buhay
na walang hanggan. Kung nais mong tanggapin itong kaloob, simple lang
ang gagawin mo. Gawin niyo po ang nauunang tatlong
puntos na sumusunod:
- Tanggapin po ninyo na ikaw ay isang makasalanan.
"Sapagkat lahat ay nagkasala, at nawalan ng kaluwalhatian
ng Diyos, " Roma 3:23.
- Magsisi po kayo ng lahat niyong kasalanan.
"Sinasabi ko sa iyo, Hindi: subalit, maliban lang
kung kayo'y magsisi, kayong lahat din ay mamamatay," Lukas
13:3, 5.
- Manampalataya po kayo kay Panginoong Cristo
Jesus, bilang Siya lamang ang inyong personal na Panginoon at
Tagapagligtas nang iyong buhay. "At sila
ay nagsabi, manalig kay Panginoong Cristo Jesus, at ikaw ay maliligtas,
at ang iyong sambahayan," Gawa 16:31. Kung gusto po niyo
maligtas ngayon mula sa kasalanan niyo, manampalataya po kayo
kay Panginoong Cristo Jesus at tanggapin
po ninyo Siya bilang personal at tanging Tagapagligtas. Kung nanalig
kayo sa Kanya, maaari po kayong manalangin upang magpasamat sa
kaligtasan na ibinigay ni Panginoong Cristo Jesus tulad ng mga
salita sa ilalim.
"Panginoong Cristo Jesus, tinatanggap
ko po na ako'y isang makasalanan. Karapat-dapat lang po, na
ako ay tumanggap ng inihanda Niyong parusang kamatayan na walang
hanggan sa Impiyerno. Subalit inialay niyo po ang inyong buhay
sa Krus bilang kabayaran ng aking kasalanan. Humuhingi po ako
ng kapatawaran sa aking mga kasalanan. Linisin Niyo po ako sa
pamamagitan ng iyong banal na dugo mula sa aking pagkakasala.
Iligtas po Ninyo ako mula sa kaparusahan ng aking kasalanan
at sa Impiyerno na walang hanggan. Panginoong Cristo Jesus nanalig
po ako sa Inyo na Ikaw lamang ang aking tanging Panginoon at
Tagapagligtas ng aking buhay mula ngayon at magpakailanman.
Ito po ang aking samo at dalangin sa pangalan ng Panginoong
Cristo Jesus, Amen."
Kung taos-puso po ang inyong pananalig kay Panginoong
Cristo Jesus at pagsisi ng inyong mga kasalanan, niligtas
na po kayo Niya mula sa walang hanggang kaparusahan ng kasalanan
doon saImpiyerno. "Sapagkat ang Diyos ay
labis na umibig ng sanlibutan, na kanyang ipinagkaloob ang kanyang
bugtong na Anak, na kung sinuman ang manampalataya sa kanya ay
hindi mamamatay, ngunit magkakaroon ng buhay na walang hanggan,"
Juan 3:16. Sa ngayon po, poydi mo nang gawin ang tatlo pang huling
puntos sa ilalim. Subalit, liliwanagin ko lang po na hindi mo
kailangang gawin ang naturang tatlo pang puntos kung hindi pa
po kayo nanampalataya at tumanggap kay Panginoong Cristo Jesus
bilang personal at tanging Tagapaglitas. Ang dahilan po ay ang
pagbinyag, pagsapi sa isang simbahan, mga pagdasal, o mamuhay
upang madala ang iba kay Panginoong Cristo Jesus, ay hindi batayan
upang maligtas ang isang makasalanan (Markos 16:16; Gawa 4:10-12).
- Magpabawtismo (magpabinyag) po kayo.
Nagsabi si Cristo Jesus, "Siya na nananalig at
nagpabawtismo ay maliligtas; subalit siya na hindi nananalig ay
mapapahamak," Markos 16:16.
- Sumapi po kayo sa isang Simbahan na nagtuturo
at nangangaral ng Salita ng Diyos sa mga miyembro at panauhin.
"Huwag pabayaan ang pagtitipon natin, katulad
ng ginagawa ng ilan, ngunit magsipangaral sa isa't isa: at higit
pang palakasin, habang nakikita ninyo ang araw ay papalapit,"
Hebreo 10:25.
- Mamuhay upang madala ang iba kay Panginoong
Cristo Jesus. "Pahintulutang lumingning
nang maigi ang inyong liwanag sa mga katauhan, upang makita ng
iba ang inyong mga gawa, at magbigay puri sa inyong Ama na nasa
langit," Mateo 5:16.
Kung hindi mo matagpuan ang Simbahan na tinutukoy po rito, puwede
pong puntahan mo itong Webpage ko sa http://www.oldkjv.org,
o padalhan po ninyo ako ng email sa vtm@oldkjv.org.
Ikinalulugod ko po ang inyong pagbibigay ng halaga at panahon sa inyong
kaluluwa. Kanina po, tinawag kita na kaibigan, ngayon po, kung taos-puso
po kayong nanalig sa Panginoong Cristo Jesus, maaari na po kitang
tawagin na Kapatid sa pananampalataya sa Panginoong Cristo Jesus.
Kung sakali mayroong kang tanong, tungkol sa kaligtasan at iba pa,
padalhan po ninyo ako ng email sa vtm@oldkjv.org.
Marami pong salamat. Maganda pong paglalakbay. |
|